Tuesday, December 25, 2007

Merry Christmas!

Pasko na naman.
kelan kaya ulit magakita-kita at magakasama-sama
ang mga baliw na MHS batch 98?
ano na kaya itsura ng mga batchmates?
sana magawan natin ng paraan yung reunion next year
amishu, guys!

Thursday, December 13, 2007

Happy Birthday

Happy Birthday Pepper (Dec. 21) and Jocymei (Dec. 22). My God bless you always!

Tuesday, December 4, 2007

Remembering High School Life

May mga alaala ba kayong hindi malilimutan noong tayo ay high school pa? Example, experiences or even crushes na hindi nyo nasabi noong high school tayo. This is your chance na ma share since past na naman un. Katuwaan lang.

Eto ung sa akin, naaalala ko na minsan akala ko na kapag may boyfriend ako magiging masaya na ako. Hindi pala kasi minsan iiyakan ko pa at sasaktan lang ako. Naalala ko pa ung nangyari na minsan nung nag CAT tayo, si Jeriel bukas ung zipper ng pants nya habang nag inspection. Nahiya akong sabihin sa kanya kaya kay Romeo ko nasabi. Binalikan nya ako at sinabihan na bakit dun daw ako nakatingin. Hindi ko naman sinasadya un eh. Napansin ko lang. Kayo share na kayo nga mga nakakahiya at nakakatuwang pangyayari noon.

Tuesday, November 27, 2007

Our beloved alma mater

Marcopper High School, ang school na hindi ko makakalimutan. Four years in high school na naging sobrang saya. My mga teachers ka na concern sa mga students nila. Mga schoolmates na masasaya. Ang pinakamasayang part kapag may contest at activities. Mega prepare ang lahat kasama na dun ung mga gala at walang class. Syempre nandyan na dito kami nagdalaga at nagbinata. Ang mga kwentuhan sa corridor at CAT sa Oval. Almost 10 years na at nakaka miss ung mga kulitan, asaran, tawanan at minsan awayan na hindi naman maiiwasan. After four years nagkanya-kanya na ng buhay.
Sir Joime sa lahat nga mga students ng MHS. Ang teacher namin sa Chemistry, Physics at PE. Ang PE teacher na nagpasayaw sa group namin ng ballroom ng ilang beses (peace tayo sir) at ang nakapagpa intindi sa kin sa Chemistry nga balancing ng equation. Maraming salamat po sa lahat ng itinuro nyo sa aming lahat.